Iniisip ko na naman kung itutuloy ko pa ba ang plano ko mag-aral ng Medisina. Sa totoo lang hindi naman talaga ito ang pangarap ko noong bata pa ako. Naalala ko noong nasa ika-4 na taon pa lang ako sa high school, tinatanong kami ng amin guro kung anu gusto namin kurso sa kolehiyo dahil ilalagay daw ito sa aming taunang libro (yearbook), na hindi ko nagustuhan ang pagkakagawa. Meron mga panahon na nagkaroon ng isa survey ang amin principal kung anu kursong kukunin ng mga graduating students at ilagay ito sa 1/4 na papel kasama ang wala kamatayan quotes, what do you want… na para naging diary na. Tinanong ko ang katabi ko, si Rizza… ang sabi niya sa akin isulat natin na gusto natin maging doctor, hindi naman ako nag-dalawa isip pa isulat ito dahil noong panahon iyon ay hindi pa buo sa aking isipan kung ano ba talaga ang gusto ko sa buhay. Ganun lang kadali ang buhay noon, wala iniisip na responsibilidad, wala masyado problema. Ang iniisip ko lang noong high school ako ay kung paano ko liligawan si ano… hehe torpe kasi ako. Mangialam ng buhay ng iba — alam ko masama kaugalian ito. at magkopyahan or magpakopya. Pero iba na ngayon eh, tingin ko para ako naging goal oriented person iniisip ko kung anu ba talaga ang gusto ko.
Sa totoo lamang, sa lahat ng unibersidad na kinuhaan ko ng pagsusulit, linagay ko sa aking first choice ay BS Electrical Engineering, sa UST linagay ko naman sa 2nd choice ko ay BS Occupational Therapy. Ang saya di ba? Simula bata pa lang kasi ako alam ko na ang ginagawa ng mga OT — My first impression was wrong pala. Noong sinasamahan ko ang aking kapatid na may sakit sa PCMC, nakikita ko ang mga OT na nakikipag laro lang sa kanya, at konti masahe then tapos na. Sa isip isip ko, huwaat? Ang mahal ng binabayaran namin every session, at take note per hour pa ang bayad, tapos ganun ganun lang. Sabi ko sa sarili ko, kaya ko din namin gawin yan eh. Ayun linagay ko ang OT sa USTET application ko. Noong panahon iyon, ang iniisip ko lang ay kumuha ng engineering dahil paborito ko ang matematika. Wala na kasi ako maisip ilagay sa 2nd choice ko eh. Sa totoo lang pinagsisihan ko iyon dati kung bakit ko linagay pa iyon, pero sa kinalaunan… mali pala ako. Siguro blessings in disguise nga ito. Destiny siguro – though hindi naman ako naniniwala sa ganyan.
Naipasa ko lahat ng pagsusulit ko UST, Mapua, PUP, FEU (Nursing) and My recosideration letter was accepted by UP Los Banos (BS Forestry). Sinabi ko sa kanila na engineering ang kukunin ko kurso ngunit sumalungat naman ito sa kagustuhan nila, ang pinagtataka ko lamang ay dapat sana sa simula pa lang ay pinag bawalan na nila ako dahil alam naman nila na iyon ang gusto ko. Sa kabilang banda gusto daw nila ako kumuha ng OT, at noong panahon iyon ay nagagalit ako sa mga magulang ako at nagsisisi kung bakit pa kasi OT linagay ko. In short, tinuloy ko ang kurso OT… sa una dalawang taon ko dito ay nag tangka ako lumipat pero may mga pangyayari hindi inaasahan at bigla na lang hindi natuloy. Kaya siguro sabi ko, baka OT nga talaga ako. Dito ko rin nakilala ang mga kaibigan ko, though konti lang naman talaga ang masasabi friends ko.
Noong nawala ang mahalaga tao sa buhay ko nang biglaan, as in bigla na lang nawala, na wala ako nagawa kundi tanggapin na lang ang katotohanan. Dito nag-sink in sa utak ko na gusto ko maging doktor. Noong 3rd year, kelan lang din ito ako’y nagulat dahil puro medical courses na ang aming kinukuha, anatomy, physiology, neuroanatomy, psychiatry, pathology, at marami pa iba. Masyado yata ako na-shocked at the same time overwhelmed.
Dati, ang pangarap ko maging mayaman or maging isa kapitan ng barko, maging inhinyero, maging computer scientist. At gusto ko rin pumunta sa San Francisco, CA. Tatay ko kasi ay isang inhinyero nagtratrabaho sa buong mundo, ibig sabihin niyan nakakarating na siya sa kahit saan, Asia, Europe, N. & S. America, Africa… lahat na yata napuntahan niyon. Kaya sabi ko sa sarili ko gusto ko maging tulad niya.
Plano ko sana maging isa orthopedic surgeon, alam ko napaka-impossible pa sa ngayon mangyari ‘yan. Hay sana pinanganak na lang kami ubod ng yaman, iyon hindi nag dadalawa isip na gumastos dahil baka sayang lang or what. At alam ko it will take million years para maging doktor ako. Bilangin natin. 5 taon ako sa aking pre med kurso, kung yun ay wala bagsak. Sunod ay 4 na taon pag-aaral ng medisina kasama ang clerkship, sa panahon iyon ay graduate ka na, at ikaw ay required kumuha ng internship pagkatapos… kukuha ka ng pagsusulit o ang tinatawag nila board exams. kung ito ay naipasa mo pwede ka ng tawagin doktor ngunit ikaw ay isa GP o tinatawag na general practitioner ibig sabihin lamang nito ay wala ka pa specialization so kailangan mo pa kumuha ng residency training kung anu ba gusto mo (pediatrics, neurology, orthopedics, surgery, etc). Kung nais mo kumuha ng ortho, ay kailangan nito ng 5 taon pag aaral ulit. Tagal di ba? At kukuha ka pa ng diplomate exam para matawag ka na isa orthopedic surgeon.
5 yrs (Pre-med) + 4 yrs (Medicine) + 1 yr (Internship) + 5 yrs (Orthopedic Surgery Residency) = 15 YEARS! Tagal no! Pero kakayanin ko yan basta gusto ko! Hindi na yata ako makakapag asawa!